Sa Pilipinas lang maaaring mangyari - “Only in the Philippines”
Sinulat ni Erlinda Calalang Zabella
Ontario, Canada
Mon 14th March 2011
Bilang isang bansang mahirap{ in the eyes of many, the Philippines is a third world country}, mababa ang tingin ng karamihan lalung-lalo na ang mga lahing nagmula sa mga maririwasang bansa sa mga Pilipino.
Can you believe that this church built in the 1700’s was made of corals? Only in the Philippines can you find such a beautiful church made of corals.
Ang ganitong abang pagtingin ay lalo pa nating pinababa ng dumagsa ang mga nagsipagtrabaho sa mga pinakamababang uri ng mga gawain katulad ng mga katulong, trabahador, tagalinis atbp. na bukod sa mababa ang mga pasahod, patay katawan halos ang trabaho. Mga gawaing ayaw na gawin ng mga mamamayan ng mga nakaririwasang mga bansa, tulad ng Istados Unidos, Britanya, Italya, atbp. Nakakalat sa buong mundo ang mga Pilipinong nagtatrabaho ng mga mabibigat na gawain ngunit kinakaya para lamang matulungan ang mga mahal sa buhay na naiwan sa sariling bayan. Nagtitiis ng libong hirap, ng kalungkutan, nagsisipagtipid, para maiangat ang kalagayan sa buhay ng mga naiwan.