29 years
of
Community Service
MUNTING NAYON
News Magazine
Operated by couple Eddie Flores and Orquidia Valenzuela
News and Views of the
Filipino Community Worldwide
The Saudi Experience

Mga kasuotang gawang Pinoy inirampa sa RCA



Ni: Marlon B. Vicente
Riyadh-Saudi Arabia
December 5, 2016

 
 


RIYADH: Isang pambihirang oportunidad para sa mga Pinoy designers sa Kaharian ang gabi ng ika-4 ng Nobyembre kung saan sila’y nagkaroon ng pagkakataon na maipakita ang kanilang mga obra maestra sa larangan ng fashion designing sa pamamagitan ng isang fashion runway show na inorganisa ng Riyadh Creative Artists Fashion Photography (RCA) bilang selebrasyon sa ikatlong taong anibersaryo ng kanilang grupo, dito.


Kabilang sa mga Pinoy designers na nakibahagi at nagpamalas ng kanilang angking galing sa nabanggit na larangan ay sina Emil Besitulo, Erwin Aradilla at Ryan Capara na nagmula pa sa eastern region (Al khobar/Dammam) at Tj Boo, Rodolfo Pablo/Fred Deladia (R&K) at Willie Teoxon na mula naman sa Riyadh.

Fall-winter collections ang naging tema ng palabas kung saan ang anim na nabanggit ay nagkaroon ng isang pagkakataon na maipakita ang kanilang mga obra sa harap ng humigi’t kumulang na 250 katao na dumalo sa pagtitipon na kinabilangan ng mga Pinoy at mga ibang lahi.

21 mga Pinoy models ang rumampa sa entablado suot ang mg magagarang kasuotan gawa ng anim na mga designers na binuo nina Alfredo Bascones, Jr., Bokee Mateo Payaoan, Char James Mendoza, Francis Noces, Jaypee Villagracia, Jerald De Vera, John Derick Carilaga, Jones Rosal, Kenneth Olay Cunanan, Mark Brian Gatdula, Tom Francis Pega, Aira Tanedo, Anne Tiongson, Cherry Ann Del Pilar, Elma Villanueva, Jae Anne Mamangun, Jho Manabat, Kaycee Macuha, Mariel Comia, Odessa Paje, Ronalie Reyes at Yen Druja. Agaw-atensyon din ang pagrampa ng pinakabatang modelo na si Doutzen Macuha-Villagracia suot ang gawa ni Tj Boo.

Bukod sa nasabing fashion show, itinuring din ang gabing iyong na gabi ng talentong Pinoy dahil sa mga world-class performances ng mga local artist sa Riyadh. Kabilang sa mga nagpamalas ng  kanilang galing sa pag-awit ay sina Ryan Allas Gonzaga, Vianca Marie Cabigting, Wahid Jaffar, Mark Gil Moraga, Norman Castillo at Laverna Macuha-Villagracia.

Dalawa naman sa kilalang grupo ng mga mananayaw sa Riyadh – Dance Connexion at BYB Dance Crew ay hindi nagpadaig sa pagpapakitang-gilas sa kani-kanilang mga killer dance moves. Ang programa na tumakbo ng halos tatlong oras ay pinasimunuan naman ni Ryan Comandante.

Ang RCA Fashion Runway Show 2016 ay isang malaking tagumpay dahil sa walang-sawang tulong at suporta ng mga institusyon at grupo ng Enjaz Banking Services, Philippine Airlines (PAL), Virgin Mobile, Wadge Shots Photography at Irene’s Closet. At siyempre, sa liderato nina Norman Cunanan (outgoing President) at ng incoming President na si Marlon Vicente kasama ang buong pamunuan ng RCA. Ang buong produksyon ay sa direksyon ni Rico Sumadia (creative director), Darwin Mancao (asst. creative director) at Jhay Villagracia. (Marlon B. Vicente, an OFW freelance writer and event host. E-mail at m.vicente21@yahoo.com).

    MoreBicol Canada Picks New Officers, EARL FRANCIS ORIÑO DACARA Is Elected President
    Romeo Ayson Zetazate

    The Bicol Canada Community Association (BCCA), during its general meeting held on February 18, 2018, elected its new set of 21 directors and executive officers at the Our Lady of Assumption Church Parish Hall, Bathurst St., North York, Toronto....
     
    MoreAPCO affiliates in ZEST Awards
    Richard J Ford

    Three organisational affiliates of APCO vied for various categories of community awards at the recent ZEST awards – an annual...
    MoreANG BIKTIMA AT ANG MANLILINLANG - Part 4
    Mga Gintong Kwento ni Rene Calalang

    “Ano’ng nangyari?”
    “Sa una pa lang, antipatiko na daw iyong biyenan niyang hilaw.”
    “Bakit naman?”...
    MoreASCON meets new Cumberland Mayor
    Richard J Ford

    The Mayor of Cumberland Council, Greg Cummings met with the Officers and members of the Auburn Small Community Organisation Network...
    MoreCanadian Medical Mission to T’boli Tribes Successful Despite Mishaps and Martial Law Fears
    Edwin Cordero Mercurio

    Giving the gift of Love on Valentines Day with flowers and sending cards to our loved ones is one thing...
    MoreAtalla inducts AGAPI officers, new members
    Evelyn A. Opilas

    Edmund Atalla, MP for Mt Druitt, swore in officers of AGAPI led by Dorothy del Villar and their new members...
    MoreSamahang Pilipino sa Holland (SPH) launches it’s first smashing Valentines Party 2018 !!!!
    Angel Axinto

    The day of the heart celebration is always the first party of the year.
     
    This year,...
     
    More`CON AMOR’ FOUNDATION B0ARD MEMBERS VISIT PROJECTS IN PHILIPPINES
    By: Orquidia. Valenzuela,  as reported by Myrla Danao

    Businessman Jaap van Dijke, chairman and two board members, Myrla Danao and Dr. John Deen of Con Amor foundation in...
    MoreTHE CHILDREN IN DON MANUEL GK VILLAGE
    Orquidia Valenzuela Flores

    Sixty-three children from age three to six years, in the very poor community of Don Manuel village in Barangay...
    MoreHistory of the Filipino Community in the Netherlands
    Orquidia Flores-Valenzuela

    Every story has a beginning and our story begins when a Cavitena accompanied her aunt to sail to another continent....
    MoreArt Creations
    Vicente Collado Jr.

    Welcome!

    Many believe formal training is a prerequisite to quality in painting. Not a few will agree with me one can...
     
    Disclaimer

    Contents posted in this site, muntingnayon.com, are the sole responsibility of the writers and do not reflect the editorial position of or the writers' affiliation with this website, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine.

    This site, muntingnayon.com, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine do not knowingly publish false information and may not be held liable for any direct, indirect, incidental, consequential or punitive damages arising for any reason whatsoever from this website or from any web link used in this site.