28 years
of
Community Service
MUNTING NAYON
News Magazine
Operated by couple Eddie Flores and Orquidia Valenzuela
News and Views of the
Filipino Community Worldwide
Ang Paglilitis kay Bonifacio


Ni Manny G. Asuncion
Melbourne, Australia
Guhit ni Joel MagpayoI
November 26, 2016

 
 


Aling pag-ibig  pa ang hihigit kaya?
Sa pagkadalisay at pagkadakila,
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa pa? Wala na nga wala.,
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ( Andres Bonifacio 1863-1897).

Si Andres Bonifacio ay siyang supremo ng Katipunan at kinikilalalang pangunahing lider ng Katipunan. Taliwas sa adhikain ng repormista at ilustrado  na sina Dr Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo H. del Pilar, ang marubdob na layunin  ni Bonifacio ay maging  ganap na malaya ang Pilipinas sa pagkakagapos sa mga kamay ng pamahalaang Kastila.

Bagama’t di-gaanong nakapag-aral, pinaunlad  ni Bonifacio  ang sariling kaisipan sa pagbabasa ng mga aklat at masusing pagmamasid na siyang nagpatibay sa kanyang layuning  palayain ang bayan sa pagmamalabis ng mga dayuhan.

Sa tulong ng kanyang mga kaibigan na sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at  Deodato Arellano, itinatag nila ang Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan  ng mga  Anak ng Bayan o KKK noong  ika 7 ng Hulyo 1892 sa Tondo, Maynila.

Ang  lihim na samahang ito ay nagkaroon ng maraming kasapi sa Maynila at sa mga karatig lalawigan.

Sa pagkakatuklas ng Katipunan ng pamahalang Kastila, sinimulan ang tahasang paghihimagsik noong ika 29 ng Agosto 1896 na lalong  kilala sa tawaq “Unang Sigaw sa Balintawak.” Dito ay sabay-sabay na pinunit ng mga Katipunero ang kanilang mga sedula bilang tanda ng paglaya  sa mula sa paniniil ng pamahalaang Kastila.

Sa pamumuno ni Bonfacio , nilusob nila ang arsenal ng  mga kastila kahit kulang ang kanilang mga armas na siyang naging bunga ng maraming  pagkasawi  ng kanilang  mga kasamahan.

Sa lagbalab ng paghihimagsik , lumitaw naman ang isang  batambata at magiting na pinuno na nagmula sa Kabite, si Heneral Emilio Aguinaldo.  Ang Heneral  na ito ay  kinakitaan  ng  talino sa kanyang istratehiya sa pakikidigma.  At di tulad sa mga pagsalakay ni Bonifacio, karamihan sa kanyang mga paglusob (ni Aguinaldo)  ay naging matagumpay.

Sa Kabite, may dalawang magkaribal na konseho ng Katipunan. Ang Magdiwang na pinamumunuan ni Mariano Alvarez (tiyo ni Andres Bonifacio) at Magdalo na ang pangulo ay  si Baldomero Aguinaldo (pinsan  ni Heneral Aguinaldo).

Lalong nahati ang pangkat ng Katipunan  nang imungkahi ni Aguinaldo na magkaroon ng isang Rebolusyunaryong Pamahalaaan.

Nagkaroon nang mainit na pagtatalo kung sino ang dapat mamuno sa itatatag na Rebolusyunaryong  Pamahalaan. Sinabi ng mga kasaping Magdalo  (kampi kay Aguinaldo) na sila ang dapat mamuno sa nasabing pamahalaan dahil sa kanilang mga tagupmpay sa paglusob. Samantala, iginigiit naman ng mga Magdiwang  (kampi kay Bonifacio) na sila ang may higit na  karapatang mamuno sapagkat sila ang unang nagpasimula ng Rebolusyon sa Kabite. Sila ang dapat kilalanin ng Rebolusyunaryong Pamahalaan.

Sa ganitong pagtatalo-talo, ipinahayag ng mga Pinuno ng Mgagdiwang na isa lamang makakalutas ng hidwaang  ito na walang iba kundi si Bonifacio.  Isang paanyaya ang ipinadala  kay Bonifacio na noo’y nasa  Bundok  Montalaban. Tinanggap ni Bonfacio ang paanyaya.

Noong ika 11 ng Disyembre 1896 , nagpulong ang mga lider rebolusyunaryo sa Imus, Kabite  subalit walang napagkasunduang palitan ang Katipunan ng Rebolusyunaryong Pamahlaaan at kung sino man ang dapat kilalaning pinuno ng himagsikan. Sa pulong na ito mas lalong malaking alitan ang namagitan kina Bonifacio at Aguinaldo.

Noong Marso 2,1897, nagkaroong  muli ng pagpupulong ang konseho  ng Magdiwang at Magdalo sa Tejeros, isang baryo ng San Francisco de Malabon para pag-usapan  ang pagkakaisa ng dalawang konseho sa dahilang dumatng na kasi ang puntong hindi na nagtutulungan ang dalawang  pangkat sa pakikidigma laban sa mga kaaway.

Muli na naman nilang inimbitahan s Bonifacio na siya naming nagpaunlak. Wala noon si Aguinaldo sapagkat yon ang araw ng kanyang kapanganakan at naghahanda pa rin sa pagsalakay sa Pasong Santol, isang baryo  ng Imus.

Subalit ang napagkasundan sa Imus ay di pinag-usapan.  Bagkus, ang mga pinuno ay nagpasyang  maghalal  ng mga opisyales para sa  Rebolusyunaryong Pamahalaan.  Para kay Bonifacio, labag sa kanyang kagustujan ang pagpapatibay ng asemblea ng Rebolusyunaryong  Pamahalaan.

Bago umpisahan ang halalaan, ay napagkaisahang igaLang ang desisyon ng nakararami. Si Bonifacio ang siyang namuno sa halalan.  Ang mga naiboto  ay sina : Pangulo, Emilio Aguinaldo; Pangalawang Pangulo- Mariano Trias; Capitan Heneral,  Artemio Ricarte; Director  ng Digmaan, Emiliano Riego de Dios at Director Interior, Andres Bonifacio.

Para kay Bonifacio, ito ay isang malaking sampal sa kanya at sa Katipunan. Sa pagiging Director Interior  ay nagpapatunay na siya ay tuluyan nang inalisan  ng kapangyarihan bilang lider ng himagsikan. Dagdag pa na insulto ay ang protesta ni Daniel Tirona sa kanyang posisyon. Paliwanag pa ni Tirona na si Andres Bonifacio ay di puede sa ganitong klaseng  posisyon pagkat wala siyang diploma sa pagka-abogado. Susuog pa ni Tironang  si  Jose  del Rosario, na  isang Kabitenyong abogado,  ang siyang mas may karapatan sa puwesto.

Sa tinurang ito  ni Tirona, lalong sumulak ang galit ni Bonifacio at tinangka niyang  barilin si Torona.  Mabuti na lamang at dagling may umawat sa Supremo. Galit na nagwika  si Bonifacio: “ Bilang Tagapangulo ng asembleyang ito, at bilang pangulo ng pinakamataas na Konseho ng Katipunan, idinedeklara kong ang asembleyang ito ay buwagin at ipinawawalang - bisa ko ang lahat ng sinang-ayunan  at pinagkayarian!” Pagkawika noon, nagpupuyos sag alit na  lumisan si Bonifacio sa asembleya.

Gayun paman, nanumpa si Aguinaldo sa kanyang tungkulin bilang presidente ng Rebolusyunaryong Pamahalaan pagkatapos ng pagpupulong sa Tejeros.  Ang pangkabuuang pamunuan ay binubuo nina : Emilo Aguinaldo, Presidente; Mariano Trias, Bise Presidente ; Artemio Ricarte, Kapitan Heneral ; Emiilano Riego de Dios, Director ng Digmaan; Pascual Alvarez, Direktior Interior;  Jacinto Lumbreras, Director ng Estado ; Baldomero Aguinaldo Director ng Pananalapi;  Mariano Alvarez, Director ng Komersiyo at  Severino delas  Alas, Director ng Hustisya.

Mapapansin na maliban kay Artremio Ricarte na taga Batac ilokos Sur, ang lahat ng mga pinuno ay taga Cavite. Masasabing ang mga nahalal na mga opsiyaless ay pawang kabilang sa Magdalo at Magdiwang na konseho. Masasapantaha nn ang iringan ng dalawang konseho ay nalutas sa pag-alis ng mga hindi taga cavite. Sa kabilang dako, winalang- halaga ni Bonifacio at ng kanyang mga kaalyado ang bagong tatag na pamahalaaan sampu ng kanilang mga pinuno.

Nagpalabas si Bonifacio ng dalawang dokumento na pirmado ng kanyang mga tauhan. Ito ay ang ACTA DE TEJEROS at sa pangmilitar na kasunduan sa Naic. Sa dokumnetong ito, isinaaad ni Bonficaio na siya pa rin ang  lider ng Katipunan. Dito ay idiniklara  niya na ang halalan sa asembleya sa Tejeros  ay isang  pandaraya at kung igigiit ng bagong pamahalaan ang kanilang  kapangayarihan, sila (ang kampo nji Bonifacio) ay tumututol. Sa deklarasyon  ding ito nakasulat na si  Aguinaldo ay isang taksil at nakikipagsabwatan sa mga Kastila.

Ang deklarasyong ito ay nilagdaan nina  Pio del Pilar, Artemio Ricarte, at Severino de las Alas. Ang lahat ng lumagda sa Pangmilitar na kasunduan ng Naic ay sumasangayon na ipagpatuloy nila (kampo ni Bonifcaio) ang direksyon ng rebolusyon.
Inatasan  ni  Bonfcaio si Pio del :Pilar na siyang maging punong-tagapag-atas ng hukbo ng himagsikan, gayun din si Emilio Jacinto na maging heneral sa mga  lalawigan ng Morong, Bulacan, Nueva Ecija at Maynila,

Dahil dito, lalong lumalala ang tensyong dati nang namagitan sa dalawang lider ng himagsikan. Nagdalawang isip ang ang mga pinuno kung sino ang kanilang papapanigan . Sapagakat Kabitenyo si Aguinlado at nanalo sa eleksyon  ( na akala nilang may higit na legaliad, bukod pa sa may kakayahang pangmilitar kaysa kay Bonnifacio, si Aguinaldo  ang pinanigan ng mga ilustradong pinuno ng Katipunan.
Ilan  sa mga pinuno ni Bonifacio ang umanib kay Aguinaldo. Kabilang na rito sina Pio del Pilar, Artemio Ricarte at Severino  delas Alas.

Ipinalagay ni   Aguinaldo na si Bonifacio ay isang  banta sa panganib  ng bagong tatag na pamahalaan. Kaya bilang pangulo mg Rebolusyung Pampamahalaan, iniutos niya  sa pamumuno ni Agapito Bonzon, na arestuhin si Bonifacio  pati na ang kanyang mga kasamahan.

Dinakip sina  Bonifacio, Procopio (kapatid ng supremo) sampu ng kanyang asawang si Gergoria de Jesus sa Lombon, baryo ng Indang Cavite. Sa pagdakip na ito ay nasugatan nang malubha si Bonifacio at napatay si Ciriaco, isa sa mga kapatid ni Bonifacio.  

Sa Maragondon, nilitis sa hukumang militar sina Bonifacio, Gregoria de Jesus at Procopio sa salang sedisyon at pagtataksil sa Pamahalaang Rebolusyunaryo. Ang naging taga-usig ay si Jose Elises, samantalang Si Teodorop Gonzales naman ang naging  tagapagtanggol ni Procopio at si Placido Martinez ang kay Bonifacio.

Ayon kay Renato Constantino (Vol 1. The Philippine Past Revisited), ang paglilitis kay Bonifacio at sa kanyang asawang si Gregoria de Jesus  at kapatid na si Procopio ay isang balintuna.

Si Bonifacio ay kaaway ni Aguinaldo. Halos lahat ng miyembro  ng Konseho ng Digmaan ay mga tauhan ni Aguinaldo. Ang tagapagtangol ni Bonifacio, si Placido Martinez  na sa halip na tulungan ang supremo ay waring naging taga-usig pa at sinabi pang ”… ang parusang mas masahol pa sa kamatayan ay karapat dapat kay Bonficoio dahil sa pagtatangka  niyang  pagpatay kay Aguinaldo”

Sinasabi ring pinaniwalan ng hukumang  military ang pahayag ni Tinyente Koronel Giron , isang kapanalig ni Bonfacio na tumayong saksi na “binigyan siya ni Bonfiacio ng sampung piso para patayin si Aguinaldo.

Sa mismong  paglilitis, sinabing hindi  makakatestigo si Giron sapagakt napatay ito sa labanan sa Naic. Subalit matapos  na mapatay si Bonifacio, si Giron daw ay nakitang kasama ng mga taga-usig.

Napatunayan ng hukumang militar na si Bonifacio at Procopio ay nagkasala at hinatulan ng kamatayan. Ang paglilitis sa kanila ay tumagal lamang ng isang araw, ika 5 ng Mayo at bumaba ang hatol   noong ika 6 ng  Mayo 1897.

Ang ,mga papeles at desisyon ay ibinigay kay Aguinaldo. Matapos nang masusing pag-aaral sa kaso ay pinagaan ni Aguinaldo  ang sentensiya kina Bonifacuio at Procopio  na  habambuhay na pagkabilanggo at pagpapatapon sa malayung lupain.
 Subalit nang malaman ito nina Mariano Noriel at Heneral  Pio del :Pilar (dating mga kaalyado  Bonifacio ) ang desisyon ni Aguinaldo, agad silang nakipagusap sa Heneral at sinabing pairalin ang dating desisyon (kamatayan) para mapangalagaan ang kapakanan ng rebolusyon at hadlangan din pagkasira ng moralidad  ng mga pinuno at mga tauhan ng himagsikan.

At noong ika 10 ng Mayo, 1897, isinagawa ni Major Lazaro Makapapagal at ilang mga tauhan ang  kaukulang kautusang militar sa Bundok Buntis . Si Andres Bonifacio, ang  dating Supremo ng Katipunan ay pinatay sa  edad na 34 taong gulang lamang.

( TALIBABA: Subalit  magpasahangga ngayon, marami pa ring haka-haka at agam-agam kung pano isinagawa ang parusang kamatayan kay Bonifacio at sa  kapatid nitong si Ciriaco. Isa pa ring malaking palaisipan ang pagkamatay ni Bonifacio sa madugong kasaysayan ng himagsikan sa Pilipinas ).   


    MoreDOLE Undersecretary Joel B. Maglunsod and OWWA Administrator Hans Cacdac meet Repatriated Workers from Saudi Arabia
    Department of Labor and Employment

    PARTNERS FOR CHANGE. Undersecretary Joel B.Maglunsod  and OWWA Administrator Hans Cacdac, together International Labor Affairs Bureau OIC Director Mary Sol D. Dela Cruz, meet with the group of repatriated workers from Saudi Arabia who sought assistance in claiming their unpaid wages and benefits from their employers.
     ...
     
    MoreLong live Mother Earth!
    Julia Carreon-Lagoc

    I cannot let Earth Day, April 22, pass without a tribute to Mother Earth, as precious as your own mother—to...
    MoreLong live Mother Earth!
    Julia Carreon-Lagoc

    I cannot let Earth Day, April 22, pass without a tribute to Mother Earth, as precious as your own mother—to...
    MoreLakas Adhika saluted Women and Girls’ IWM spirits
    Marilie Bomediano

    Adhika Inc. and the Filipino Community (FILCOM) recently held a celebration that portrayed the women and girls’ perils in life...
    MoreFred and Nenita Tomas celebrate 25th Wedding Anniversary in Toronto
    Dindo Orbeso

    The husband and wife team of Alfred Tomas and Nenita Tomas celebrated their 25th  wedding anniversary which was attended by...
    MoreOntario FilCan Catholic Parents Organization Sets 3rd Annual Conference
    Tony A. San Juan

    Faithful to its mission and mandate, the Filipino Canadian Parents Association in Catholic Education - FCPACE  will hold its Third Annual Conference on June...
    MorePrince of Peace Parish Lenten Mission Holy Mass and Healing of Parishioners
    Dindo Orbeso

    The Prince of Peace Parish Lenten Mission was held at the Prince of Peace Church in Scarborough, as part of...
     
    More`CON AMOR’ FOUNDATION B0ARD MEMBERS VISIT PROJECTS IN PHILIPPINES
    By: Orquidia. Valenzuela,  as reported by Myrla Danao

    Businessman Jaap van Dijke, chairman and two board members, Myrla Danao and Dr. John Deen of Con Amor foundation in...
    MoreArt Creations
    Vicente Collado Jr.

    Welcome!

    Many believe formal training is a prerequisite to quality in painting. Not a few will agree with me one can...
    MoreTHE CHILDREN IN DON MANUEL GK VILLAGE
    Orquidia Valenzuela Flores

    Sixty-three children from age three to six years, in the very poor community of Don Manuel village in Barangay...
     
    Disclaimer

    Contents posted in this site, muntingnayon.com, are the sole responsibility of the writers and do not reflect the editorial position of or the writers' affiliation with this website, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine.

    This site, muntingnayon.com, the website owner, the webmaster and Munting Nayon News Magazine do not knowingly publish false information and may not be held liable for any direct, indirect, incidental, consequential or punitive damages arising for any reason whatsoever from this website or from any web link used in this site.